By Akhene Ronggavilla

Pasukan na naman mga Astig na Scholars. Excited na siguro ang karamihan sa inyo lalo na ang mga freshies.

Naks! Finally, mga college girls and boys na kayo….. YIPEEEEEEE!!! Isang tanong lang muna bago natin simulan ang klase —— handa na ba kayo?

Ooopppss! Paano nga pala pumunta sa Peyups kung ikaw ay magmumula pa sa malayong probinsya ng Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Pampanga, Tarlac, atbp? Kaw ba’y nagtatanong kung paano makakarating sa ating paaralan? Ano ba ang mga ruta ng jeep at bus na dapat sakyan?

ney.jpgSige, tutulungan ko kayong sagutin ang mga tanong na ‘yan…… Ang mga sumusunod ay ilan sa mga rutang maaari ninyong tahakin.

 

· CUBAO

1. Sumakay ng jeep na papuntang Recto o Divisoria at bumaba sa Fernandos o Stop & Shop na nasa Sta. Mesa, Manila (mula dito ay maari nang lakarin ang PUP)

2. Sumakay ng jeep na papuntang Stop & Shop at bumaba sa Teresa St. sa tapat ng Chowking sa Sta. Mesa, Manila (mula dito ay maari nang lakarin ang PUP)

3. Sumakay ng LRT papuntang V. Mapa o Pureza station

 

lrt.jpg

From LRT Cubao station bumaba ka sa V. MAPA station at sumakay ng jeep byaheng Stop & Shop, bumaba ka sa Teresa St. at lakarin ang papuntang PUP

From LRT CUBAO station bumaba ka sa Pureza station at sumakay ng tricycle o pedicab papuntang PUP.

· PASIG

1. Sumakay ng jeep papuntang Quiapo at bumaba sa Teresa St. at lakarin ang daan papuntang PUP

2. Sumakay ng jeep papuntang Quiapo at bumaba sa Kalentong (Mandaluyong City) at sumakay ng jeep papuntang Stop & Shop. Lakarin ang daan papuntang PUP

· ALABANG. SUCAT, BICUTAN

1. Sumakay ng bus na papuntang Cubao (via Skyway o Ayala ilalim) at bumaba sa Boni. Sumakay ng jeep na papuntang Stop & Shop (sundan ang nakasaad sa naunang instruction)

2. Sumakay ng bus na papuntang Cubao (via Skyway o Ayala ilalim) at bumaba sa Boni at bumaba sa Shaw Blvd Crossing at sumakay ng jeep papuntang Quiapo at bumaba sa Fernandos (sundan ang nakasaad sa naunang instruction)

3. Sumakay ng bus na papuntang Cubao at sundan ang naunang instruction

4. Sumakay ng bus papuntang Lawton (for Alabang only) at bumaba sa PNU (Philippine Normal University). Sumakay ng G-Liner Bus at bumaba sa Fernandos o Pureza (sundan ang naunang instruction)

5. Maari ring sumakay ng PNR train at bumaba sa Sta. Mesa station (maari nang lakarin papuntang PUP)

· RIZAL

(from Antipolo, San Mateo and Rodriguez)

1. Sumakay ng jeep papuntang Cubao at sundan ang naunang instruction

2. Sumakay ng LRT sa Santolan station at bumaba sa V. Mapa o Pureza station at sundan ang naunang instruction

(from Cainta, Tanay and Taytay)

1. Sumakay ng G-Liner bus papuntang Quiapo at bumaba sa Fernandos at sundan ang naunang instructions

2. Sumakay ng jeep papuntang Shaw Blvd. crossing at sumakay ng jeep papuntang Quiapo at bumaba sa Teresa St. o Fernandos (sundan ang naunang instruction)

 

bus.jpg

· CAVITE

1. Sumakay ng bus na byaheng Lawton at bumaba sa PNU (Philippine Normal University). Sumakay ng G-Liner bus at bumaba sa Fernandos o Pureza (sundan ang naunang instruction)

2. Sumakay ng bus na byaheng Cubao at sundan ang instruction kung ika’y magmumula sa Cubao

 

· LAGUNA & BATANGAS

(from Sta. Cruz, Pacita and San Pedro – Laguna)

1. Sumakay ng bus papuntang Cubao at sundan ang instruction kung ika’y magmumula sa Cubao

2. Sumakay ng bus papuntang Lawton at bumaba sa PNU (Philippine Normal University). Sumakay ng G-Liner bus at bumaba sa Fernandos o Pureza (sundan ang naunang instruction)

(from BATANGAS)

1. Sumakay ng bus papuntang Cubao at sundan ang instruction kung ika’y magmumula sa Cubao

2. Sumakay ng bus papuntang Alabang at sundan and instructions kung ika’y magmumula sa Alabang.

· BULACAN, PAMPANGA, THE REST OF NORTH LUZON

1. Sumakay ng bus papuntang Cubao at sundan ang instruction kung ika’y magmumula sa Cubao