By Leorey Azcarraga

Naranasan mo na bang magbiyahe ng mga apat na oras mula sa inyo hanggang pup??? Yung tipong alas tres pa lang ng madaling araw kailangan gising ka na. Minsan pa nga nakatulog ka na’t lahat sa sasakyan hindi pa rin umaandar dahil sa sobrang trapik. Ang masama pa kapag maraming pasahero at uwing-uwi ka na mapipilitan ka pang makipagsiksikan. Hindi ka lang mapapagod sa biyahe mahihilo ka pa sa katabi mo. Naku po! Buhay estudyante nga naman. Pero ang sabi nga nila tiyaga lang ang kailangan. At ang sagot naman ng marami kanya-kanyang diskarte lang yan!

Si “Astig” nagpaalam sa magulang…

Anong diskarte niya?

Boarding house…

brd.jpgbrd.jpg

Ikaw anong diskarte mo???

Kung paupahan o boarding house” ang hanap mo, tamang-tama dahil narito ang ilang mga gabay-impormasyon para sa mga Astig na Scholars.

Mula sa kahabaan ng Anonas street, Road 5, Road 7, Road 9 Road 10 at Road 11 mapapansin na karamihan nang mga paupahan o “boarding house” dito ay para sa mga kababaihan. Ito ay malimit na “rent for bed space” lang. Pumapatak sa isang libo hanggang tatlong libo (Php 1,000. to Php 3, 000. 00) ang upa sa isang buwan may one-month advance at one-month deposit. Libre na ang tubig at ilaw. money.jpg

Sa may bandang Teresa Extension naman hindi lang para sa mga babae ang karamihan ng mga boarding house dito mayroon din naman para sa mga lalaki lang. Umaabot sa pitong daan hanggang isang libo at limang daang piso (Php 700. to Php 1,500. 00) ang upa kada-buwan. May one-month advance at one-month deposit. Nagkakatalo-talo lamang ang mga paupahan pagdating sa renta ng bahay depende sa laki ng lugar at mga gamit na nakalaan para sa mga uupa. Halos lahat ng mga paupahan dito ay wala ring problema pagdating sa tubig dahil ang iba ay may sarili na ring tangke.

Kung babagtasin mo naman ang kahabaan ng Altura street dito ay may mga paupahan na para sa mga kalalakihan at kababaihan. Pumapatak sa isang libo at anim na daan ang renta para sa mga babae at isang libo at limang daan para naman sa mga lalaki (Female—Php 1,600. 00 Male—Php 1,500. 00).

 

forrent1.jpg

May ibang boarding house na kailangang maghati-hati ang mga umuupa pagdating sa bayad ng kuryente at tubig. Hindi rin maaalis sa mga paupahan na malapit sa eskuwelahan ang maging mahigpit pagdating sa paglabas-pasok ng kanilang mga nasasakupan lalo na kapag mga estudyante. Halimbawa na lamang ang “curfew hour” na kalimitan ay mula alas nuwebe hanggang alas onse lang ng gabi (9:00 P.M-11:00 P.M.). Pero isinasaalang-alang din naman ng mga may-ari ng bahay ang mga nagtatrabaho nilang boarders. At May mga paupahan din na may nakatakdang araw sa pagtanggap ng mga bisita. Ito ay para na rin sa seguridad at respeto sa may-ari ng bahay.

Samantala hindi lang sa labas ng unibersidad mayroong mga boarding house, space for rent o dormitory para sa mga estudyante dahil mayroon din tayo niyan sa PUP. Ito ay matatagpuan sa may Hasmin Hostel. Ang dormitoryo ng PUP para sa mga Iskolar ng bayan!

*Paalala lamang sa lahat ng mga tulad ni Juan, anuman ang diskarte mo “boarding house” o “uwian” matutong magpaalam sa magulang!

Maging mapanuri…

Anumang diskarte ay may kaakibat na responsibilidad…

Mula sa paupahan, computer café’ naman tayo……

computer.jpgMadalas ka bang mag-internet? Mag-type ng project habang nagcha-chat, mag-check ng emails o friendster o di-kaya magpa-print ng mga litrato niyo ng boyfriend mo kahit wala na kayo. Hilig mo bang maglaro ng dota, ragnarok o ang walang kamatayang counterstrike. Mas trip mo bang makinig ng mga birit ni Sarah Geronimo sa you tube? O mas gusto mong manood na lang ng video na poso?

Anuman ang trip mo…

Siguradong dito sa PUP mamamangha ka sa napakaraming computer shops na hatid ay pare-parehong serbisyo.

Yan ang mundo ng kompetisyon!

photocpy.jpgKaramihan sa mga available services dito ay: internet, printing, scanning multi-player gaming, photo printing, CD burning, typing job, video conversion at desktop publishing. Samantala ang iba naman ay mayroon pang photocopying services, bookbinding, I.D. lamination, Internet cards, game cards selling at banner making.

O diba? Saan ka pa!? All-in-one computer shops. Eh, ang tanong abot kaya ba? Presyong estudyante nga kaya? Alamin natin…

Kapag binagtas mo ang kahabaan ng Teresa Street halos lahat ng mga computer shops dito ay nasa labing limang piso (Php 15. 00/hr) hanggang dalawampung piso (Php 20.00/hr) kada-oras ang renta. Samantala subukan mong lumiko ng V. Francisco Street ilan dito ay nasa sampung piso lamang ang isang oras (Php 10.00/hr).

Kung ganito pala ang presyo tiyak na hind ika na lugi…

Samantala Kung ikaw naman ay magpapaprint ang Black & white text (short) ay nasa Php 1.00 hanggang Php 2.00 at kapag Black & white text (long) Php 2.00 hanggang Php 3.00 ang print. Ang colored naman kapag (short) ay naglalaro sa Php 3.00, Php 5.00 at Php 10.00 ang print.

Nakakapagod, tara kain muna tayo……..

 

Kung lutong bahay at paboritong ulam sa tamang timpla ang hanap ng iyong panlasa si nanay o si tatay ang may kaya nyan!

Pero hanggang kailan aasa?

Paano kapag nasa skul ka? Ngayong nasa kolehiyo ka na magbabaon ka parin ba???

Dito sa Poleteknikong Unibersidad ng Pilipinas samu’t saring tindahan at kainan ang makikita mo, siguradong marami kang pagpipilian… may mga tapsilogan, unlimited lugawan, karenderia at marami pang iba!

Yan ang pagkaing pinoy!

Subukan mong maglakbay sa kahabaan ng Teresa Street dito ay Tiyak na mahihilo ka sa kaliwa’t kanang tindahan at mga karenderia. Kanya-kanyang specialties… hmmm…. Mapapatakam ka talaga!

sell.jpgIsa sa mga karenderia dito tulad ng “Lovely Rose Eatery” (tapat ng chapel) ang isang order ng ulam na gulay na may kasama ng kanin ay nagkakahalaga ng labing limang piso (Php 15.00) samantala kung ulam na baboy o manok naman ang gusto mo nasa dalawampu’t limang piso (Php 25.00) at dalawampu’t walong piso (Php 28.00) ang isang order nito. Ano pasok ba sa badyet mo???

Kapag ikaw ay lumiko ng Teresa extension mapapansin mo kagad ang sunod-sunod na lamesa sa daan, aakalain mong may handaan! Mula sa Onat’s at Ate Mercy’s Karenderia pumapatak sa labing pitong piso (Php 17.00) ang isang order ng shiomai, shanghai roll o gulay na may kasama ng kanin. Samantala tulad sa naunang nabanggit labing limang piso (Php 15.00) lang rin ang isang order ng gulay at kanin.

Pero Kung ang trip mo naman ay ulam tulad ng burger steak at adobo may dalawampung piso (Php 20.00) ka lang makakaorder ka na. Base sa masusing pagtatanong ang student meal dito ay nagkakahalaga sa dalawampung piso hanggang dalawampu’t limang piso (Php 20.00 – Php 25.00) ang isang order kumporme sa klase ng ulam.

 

food.jpg

Ilan pa sa mga madalas kainan at tambayan ng mga astig na iskolar ay ang mga Tapsilogan… tulad ng Ate Beng’s Tapsilogan “sizzling house”… ang specialty nila dito ay butter chicken, sisig squid, pork chop at fried chicken… diretsohin mo pa at makikita mo ang Luchie’s canteen, ang student meal nila rito ay nasa dalawampu’t limang piso (Php 25.00) rin ang isang order katumbas nito ay isang ulam na baboy o manok na may kasama nang kanin at gulay.

Kung akala mong ang Wowwowie ay nasa ABS-CBN lang nagkakamali ka dahil dito satin mayroon din. Sa aking paglalakbay kaagad kong napansin ang karenderia na ito… “Wowwowie Food Hauz” Kung tawagin. Ang everyday special nila ay pumapatak sa tatlumpung piso (Php 30.00). Ilan sa mga kinababaliwan nilang menu ay ang Tuyo na dalawampu’t dalawang piso (Php 22.00) ang isang order, Pork tocino, pork BBQ at pork tapa na tatlumpu’t limang piso (Php 35.00), ang Ham, maling at imbotido naman ay nasa tatlumpung piso (Php 30.00) at ang special order na Pork chop, Liempo, chicken, kalamares at Boneless Bangus ay tumataginting na apatnapung piso (Php 40.00) ang isang order. Talagang wowwowie pati ang presyo!!!

Samantala kung ang trip mo ay simpleng lugaw, lakarin mo ang kahabaan ng Albina Street malapit sa simbahan ng Sta. Mesa. Mura na unlimited pa! Kaya subukan mo na!

Kung ikaw naman ay nasa malayong kabihasnan ng COC (College of Communication) at CEA (College of Engineering and Architechture) hindi mo na kailangan pang pumunta ng Teresa para doon kumain. Lakarin mo lang ang kahabaan ng Anonas Street at Pureza Street Tiyak na marami kang pwedeng pagpipilian. Ang student meal dito ay pumapatak sa dalawampung piso hanggang tatlumpu’t limang piso ang order(Php 20.00-Php 35.00). Kaya kung kaya ng badyet, kain na!

Subukan mo namang lumiko ng Road 5 (subok lang!) ito ay malapit sa J. Panganiban Street, isa sa mga kainan dito ay ang “Elshadai Canteen”. Dinudumog ito ng mga estudyante ng COC at CEA. Pumapatak lamang sa dalawampu’t dalawang piso (Php 22.00) ang student meal dito. Katumbas nito ay isang ulam na baboy, gulay at kanin. O diba?!

Samantala sa may Road 1 naman nasa mga tatlo ang bilang ng kainan dito. Ang student meal o “combo meal” dito ay nasa dalawampu’t pitong piso hanggang tatlumpung piso (Php 27.00-Php 30.00). Ang isa sa mga patok dito sa mga estudyante ay ang “pork chop” ni tatay na tatlumpu’t limang piso (Php 35.00) ang isang order at syempre ang “Liempo” ni nanay na apat na pu’t limang piso (Php45.00). Hmmm…

Nakakagutom hindi ba?

Kaya Isama na ang barkada!

Para Masaya!

Dito sa PUP astig talaga!!!

Ooopppsss! Paalala nga pala, dapat din nating isipin ang ating kalusugan. Huwag lage dun sa makakamura tayo, i-consider natin ang pagiging malinis at masustansya ng ating mga kinakain. Pwedeng-pwedeng magtipid basta ito’y di makakapagdulot sa atin ng sakit….

O sige na po, maghanap na kayo ng murang paupahan, maayos na computer café’ at pagkaing swak na swak sa inyong mga sikmura at bulsa….

Advertisements