By Aei-Vita Y. Tolentino
Councilor, CEFP-Student Council

Books? Encyclopedias? Gazetteers? Manuals? Yearbooks? Journals? Magazines? Research works? Thesis Papers? Ito ba ang hanap mo?

Mahirap talagang hanapin ang mga babasahin na makakatulong sayo para maipasa ang requirements na hinihingi ng iyong mga Propesor pero dahil PUPian ka at ang lakas mo sa amin, bibigyan ka namin ng ilang tips upang mapadali ang iyong buhay- estudyante at makatanggap ng lumalagutok na uno mula sa iyong mga Propesor. Ayus ba?

Una, kung gusto mong magpa-impress sa iyong guro at mag-advance reading na rin, magtanung tanong ka na sa senior students ng mga tips at itanong mo na rin kung ipinagbibili nila ang kanilang mga librong ginamit nung mga nakaraang taon. Mas makakatipid ka dito dahil maaari nila itong ipagbili sa murang halaga. Kaya maging friendly ka (smiling face lage) sa kanila, baka sakaling pang ibigay na lang nila ito sayo.

 

Kung talagang kapos ka sa budget, nandiyan naman ang NALRC (Ninoy Aquino Learning Resource Center) ng ating paaralan. Maari ka ring pumunta sa iba’t ibang College Learning Centers na magpapahiram sayo ng iyong mga kakailanganing libro. Heto ang mga college na pwedeng-pwede mong puntahan at kung saan ito mga makikita:

● College of Economics Finance and Politics (E-208)

● College of Cooperatives (E-207)

● College of Office Administration and Business Teacher Education (W-304)

● College of Business (E-406)

● College of Languages and Linguistics (S-404)

● College of Computer Management and Information Technology (E-405)

● College of Accountancy (S-503)

● College of Arts (S-613)

● College of Science (N603-605)

● College of Engineering and Architecture (4th Floor, NDC Compound, Anonas St.)

● College of Communication (2nd Floor, NDC Compound, Anonas St.)

● College of Tourism and Hotel and Restaurant Management (2nd Floor, PUP Hasmin Hostel Building, M. H. del Pilar Campus)

Paalala: Kung ayaw mong masitsitan ng librarian at magtinginan sa iyo ang lahat ng studyante, dapat mo munang basahin ang rules and regulation ng library. May mga Libraries din sa labas ng ating unibersidad na maaari mong puntahan. Nandiyan ang National Library sa T. M. Kalaw St., Ermita, Manila at ang mga Libraries sa iba’t-ibang unibersidad katulad ng Rizal Library ng Ateneo de Manila, UP Diliman Library, Lorenzo Library ng University of Santo Tomas, De La Salle University Library, Mirriam College Library at iba pang University Libraries. Tandaan mas kailangan mo ngayong mag- ingat na masita dahil dala dala mo ang pangalan ng ating paaralan. Matutong sumunod sa mga patakaran ng sa gayon ay walang masamang masasabi sa iyo at sa ating sintang paaralan.

Kung nais mo naming magkaroon ng sariling aklat maari kang bumili ng mga ito sa mababang halaga sa Recto at Rex Bookstore. Mag-ingat lamang sa pamimili ng aklat at maging masusi sa pagpili sa mga ito. Kung ikaw ay napapabilang sa mga mapalad na estudyante na may pambili ng sariling aklat. Narito ang ilang bilihan ng aklat na maari mong mapuntahan:

National Bookstore: SM Centerpoint, Recto, Harrison Palza, Rizal Avenue, Robinsons Ernita, SM Manila, SM San Lazaro, Tutuban, Paco, Metropoint EDSA Pasay

Fully Booked: Greenhills Shopping Center San Juan, Gateway Mall Cubao, Mall of Asia (Ground floor South Wing)

Book for Less Bargain Bookstore: Commonwealth Ave., Mall of Asia (Ground floor north parking Bldg.)

Diplomat: Gateway, Pateros

Jade Bookstore: U.N.Avenue

Merriam and Webster Bookstore: Avenida, Morayta

Solidaridad: Taft Avenue

Goodwill Bookstore: Legarda

La Salle Bookstore: Taft

Book Sale: SM Centepoint

Pero kung biglaan ang pangangailangan ng research materials, magpunta ka na lang sa pinakamalapit na Internet shops (marami kang makikita sa sikat na sikat na Teresa St.) at maghanap ng kailangan mong impormasyon using search engines. Syempre google.com ang pinakasikat pero pwede rin sa yehey.com, mamma.com. But remember the internet is full of junks too, kaya be ready to be discerning and critical sa paggamit nito, para lang ding sa libro, its created by humans kaya pwede ring prone to errors. One last thing, DO NOT COPY-PASTE, hehehe! Plagiarism yun bunso, isisingko ka na ng titser mo, baka mademanda ka pa. (for other interesting websites, please refer to the KILOS weblog sidebar)

 

Back to Survival Kit