By Jeffrey Reyes (ECE Student)

pylon.jpg

PUP PYLON

Sino nga ba naman ang di nakakaalam sa pinakasikat na landmark ng PUP, ang PYLON. Three parallel-rectangular structure bearing the bold letters PUP na babati sayo sa entrance gate ng mabini campus. Ito’y tanda ng pagiging “proud PUPian”.

picture-094.jpg

Catwalk

Catwalk – Pagpasok mo pa lang sa gate makikita mo na ang path walk na covered with bubong. At syempre dahil feeling model ang mga PUPIANS, gustong gusto nating rumampa dito everyday kahit super late na tayo. Kadalasan, dito rin tayo tumambay para masilayan ang gwapo at magagandang faces ng ating mga crushes dahil panigurado wala silang ibang daraanan kundi sa catwalk lang.

picture-089.jpg

Mabini Circle

Kung hindi mo pa alam, ang PUP main campus ay ipinangalan sa bayaning si Apolinario Mabini. Kaya huwag kang magtaka kung bakit hindi ang estatwa ni Rizal ang makikita mo sa Mabini Circle dahil halatang obvious naman diba? Recently, ni-renovate ang Mabini Circle, nilagyan ng tila obelisk na pagkataas-taas at pinailawan ng mga bituing nagniningning sa gabi. Ang biruan, nilagay daw iyon dahil nangangalay na daw si Mabini, wala na nga syang kamay, paa at katawan eh wala pa syang sandalan.

grandstand.jpg

Grandstand

Pagpasok mo palang sa gate, sa gawing kanan, ay makikita mo ang Oval kung saan makikita mo rin ang PUP grandstand. Madalas dito dinaraos ang mga malaking event na dinadaluhan ng maraming tao (e.g. Concerts, field demo, sports event etc.) at syempre ng mga hayop….. Tama po ang basa mo — mga hayop… Aakalain mong ikaw ay nasa isang hacienda dahil sa nagkalat na mga manok at mga kambing na walang tigil sa pag chew…. meeeehhehehe…

gym.jpg

PUP GYM

Sa gawing kanan naman ng entrance gate, makikita ang PUP Gym. Dito madalas matagpuan ang mga 1st year at 2nd year na naka-maroon jogging pants at tuwang-tuwa sa paglalaro nile. Minsan ang mga basketball fanatics ay gumagawi dito para mapanood ang practice ng mga sikat na players ng PBA. Tuwing Sunday naman, ang very proud na PUP alumnus na si Bro. Eddie Villanueva kasama ang kasamahan niya sa JIL church ay dito nagpapasalamat sa diyos. Minsan na ring ginanap ang “variety show” ng SOP dito. Madalas din itong pagdausan ng ibat- ibang concerts.

 

lagoon.jpg

Lagoon

Ang pinaka romantic na atang place sa PUP, with all the green lushes of trees together with the soothing water and the natural views ng mga palutang lutang na plastics at paminsan-minsang pagtalon ng mga janitor fishes at pag-kokak ng mga palaka. Yan siguro exactly ang dahilan kung bakit paborito ito ng mga lovers na PUPIAN para sa kanilang date. Kidding aside, ang lagoon na ito ay magandang lugar din para magbasa-basa at mag-aral ng iyong lessons. Ang iba naman, ginagawa itong tambayan, nakikipag-chikahan “to the max” para hindi masyadong ma-burn out sa classes.

 

Next

Advertisements