pool.jpg

PUP Olympic Pool

Sa likod ng gym ay iyong masusumpungan ang CHaraann!! PUP Swimming Pool!! Tama ang PUP ay may pool! Maswerte ka kapag Swimming ang PE mo, dahil magagamit mo ang pool na madalas ginagamit para pagshootingan ng Star Circle Quest noon atiba pang mga palabas, Mag aala Joross Gamboa ka sa pag langoy, ignoring the slight lumot on the side..

chapel.jpg

Inter Faith Chapel

Ito yung round building na red na napaliligiran ng mga puno sa harapan ng East Wing ng PUP, syempre as a church lahat ng mga event na may kinalaman sa faith dito ang place to be, regardless with your religion at paniniwala kaya kahit na God fearing atheist ka eh welcome ka dito..

amphi.jpg

Amphitheater

Formerly known as poppye, madalas ito ang nagiging location nga mga small events, concerts and gatherings ng ibat-ibang mga organisasyon sa PUP. Napaka ganda ng structure na ito dahil mistulang ¼ ito ng isang buong amphitheater at the best nga naman kung gusto nyong medyo private ang happenings


ninoy.jpg

Ninoy Aquino Learning Resource Center (NALRC)

Yes, The biggest library structure in South East Asia!! Aalog alog naman dahil bilang na bilang ang mga librong nakalagak dito. Dito madalas ang mga seminars at kung anu anu pang mga functions narito rin kasi ang Bulwagang Balagtas na sa awa ng Diyos ay aircon, kaya pag dito ang seminar, marami ang estudyanteng umaatend. Sa ngayon nandito na rin ang PUP LAW School at ang high-tech na PUP IT Center. Ang NALRC ay matatagpuan sa tapat ng Lab High katabi nito ang tila spaceship na di malaman kung ano ba talaga, basta mukha syang spaceship lalo na pag nasa LRT ka.

ou2.jpg

Open University

Huwag kang basta- bastang papasok kahit na ito’y Open, kumatok ka muna dahil ito ay para sa mga taong kumukuha ng masteral at yung mga pipol na tuwing Saturday lang may time na mag aral, mga special cases ika nga..Sosyal diba?

bscourt.jpg

Open Basketball Court

Madalas kang makakakita ng mga girls at gays na nakatambay dito habang tuwang tuwang minamasdan ang mg PUPian hunk at pawis na pawis na naglalaro ng basketball, kaya kung basketball fanatic ka.. tambay na!!

server.jpg

Server Room

Nagiging busy ang server room na ito every enrollment dahil sila ang sumasalo ng galit ng mga estudyanteng nagkaproblema sa validation at iba pang problema sa enrollment.

Next