cashier.jpg

Cashier

Dito madalas naglalaro ang mga estudyante ng longest line lalo na kapag enrollment. Aakalain mo lang naman na may namimigay ng libreng load dahil sa haba ng pila. Sa biruan ang sabi sabi eh may pinaplano na raw na ipalagay sa guines world of record ang super habang pila na ito. Ang sabi pa eh dito daw napatunayan ang isa pang kahulugan ng PUP —– P-ila U-lit P-ila..

sc2.jpg

Student Council Building

Mas kilala sa tawag na Unyon sa tabi ng Laboratory High School

 

inter.jpg

Accounting Division/ Student Services Section

Isa ito sa mga importanteng offices na dapat mong malaman, dahil every sem required kang makipagbuno dito para lang matatakan at makapagpa-validate ng iyong regi (short for registration card). Babala: kapag na-late ka sa pagpapa-validate , mag- aala-type writer ka sa pag sulat ng limang daang beses na “I will validate my regi on time”. Stress ito!!!!!!!

Internal Audit Office

Kung ninanais mong magtayo ng bagong org o maging officer ng mga existing na org, aba dito ka dapat masanay dahil dito mo ire-report yearly ang mga financial statement ng inyong org para ma-clear sa lahat ng inyong mga financial obligations. Aalamin nila kung magkano ang nakurakot mo every year, JOKE! Dito sa office na ito ay tinitignan kung wasto ang paggamit ninyo ng inyong pondo. 

riverwalk.jpg

The River Walk

Ito ang PUP version ng Bay Walk sa Roxas Blvd. Ito rin ang magiging way para sa malapit nang mag-open na ferry boat station dito sa ating sintang paaralan. Syempre hindi magpapatalo ang river walk natin with matching interlocking bricks at mga ilaw sa gabi and also the over looking Pasig River, bonus pa ang mga tangke ng oil depot sa pandacan!!Bongga! Perfect!!

orange.jpg

The Orange CR

Ang pinaka-kontrobersyal na CR sa PUP! Hindi dahil sa distracting na pagka-orange nito kundi dahil sa pagtayo nito sa harap ng mga kainan. Grabe nga naman…. tk tsk tsk.

reg.jpg

Office of the University Registrar

Lahat na siguro ng mga PUPian ay alam ang Registrar office. Eh bakit nga naman hindi, lahat halos ng papeles mo regarding with your stay sa university eh dumadaan dito. Ground floor south wing kung gusto mong makita si madam registrar.

adm.jpg

Admission and Regitration Office (ARO)

Kapitbahay ng registrars office, isang sikat na opisina sa PUP pagkat dito dumadaan ang lahat ng gustung maging bahagi ng PUP community- mga kumukuha ng PUPCET at mga transferees. Sila rin ang responsible sa pagre-release ng iyong pinakamamahal na Regi… Mwah!

 

 

Next